Skip to main content
Release Date :
Reference Number :
PR-2025-024

VICTORIA, TARLAC – Lumahok ang Philippine Statistics Authority (PSA) – Tarlac, sa pamamagitan ng National Identification (NID) System sa Job Fair na isinagawa nitong Hulyo 30, 2025 sa Jose V. Yap Covered Court, Brgy. San VICTORIA, TARLAC – Lumahok ang Philippine Statistics Authority (PSA) – Tarlac, sa pamamagitan ng National Identification (NID) System sa Job Fair na isinagawa nitong Hulyo 30, 2025 sa Jose V. Yap Covered Court, Brgy. San Nicolas, Victoria, Tarlac. Ang aktibidad ay inorganisa ng Municipal Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Victoria, sa ilalim ng temang “Tagumpay mo’y abot kamay, sa alay na hanapbuhay.” Layunin ng programa na pag-ugnayin ang mga naghahanap ng trabaho at mga serbisyong makatutulong sa kanilang aplikasyon.Kawani sa Rehistrasyon habang nagsasagawa ng National ID Registration sa Job Fair sa Bayan ng Victoria, Tarlac noong Hulyo 30, 2025.

Bilang kaagapay ng mga jobseeker, nag-alok ang PSA Tarlac ng on-site na pagpaparehistro para sa National ID, gayundin ng agarang pag-iimprenta at pamamahagi ng ePhilID o papel na bersyon ng National ID. Lahat ng mga nakapagparehistro sa araw na iyon ay agad na nakatanggap ng kanilang ePhilID, na maaaring gamitin bilang opisyal na pagkakakilanlan sa pag-aapply ng trabaho at iba pang mahahalagang transaksyon.

 Ang partisipasyong ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng PSA na gawing mas accessible at kapaki-pakinabang ang serbisyo ng National ID, lalo na sa mga aktibidad na may kinalaman sa lokal na employment. Nagpapaabot ng pasasalamat ang PSA Tarlac sa Municipal PESO at sa Pamahalaang Bayan ng Victoria sa pagbibigay-daan upang maihatid ang mga serbisyo ng National ID nang mas malapit sa mga mamamayan.
Inaprubahan para sa paglalathala:


Herman J. Vital
Chief Statistical Specialist
PSO-Tarlac

/MMG /MVDD 
 

National ID Registration, Tampok sa Job Fair ng Bayan ng Victoria

VICTORIA, TARLAC – Lumahok ang Philippine Statistics Authority (PSA) – Tarlac, sa pamamagitan ng National Identification (NID) System sa Job Fair na isinagawa nitong Hulyo 30, 2025 sa Jose V. Yap…

Empowering Identity Services: PSA Zambales Hosts Online Training on Secure National ID Authentication

Zambales, Philippines – The Philippine Statistics Authority (PSA) Zambales Provincial Statistical Office successfully conducted a virtual lecture aimed at equipping employees of Local Civil Registry…

PSA Zambales Conducts Lecture on National ID Law and Authentication Services at San Marcelino District Hospital

The Philippine Statistics Authority (PSA) – Zambales Provincial Statistical Office successfully conducted an informative lecture on the salient features of Republic Act No. 11055 (RA 11055) and the…