Skip to main content
Release Date :
Reference Number :
2025-04

Ang buwanang Press Conference ay isinisagawa ng PSA-Nueva Ecija alinsunod sa direktiba mula sa National Statistician ng PSA, Usec. Claire Dennis S. Mapa kung saan pinag-uulat ang mga PSA Provincial offices sa buong bansa ukol sa napapanahong kalagayan ng paggalaw sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa bawat probinsya sa nakalipas na buwan. Ang Inflation Rate ay ang pagbabago ng presyo kumpara sa kaparehong buwan ng nakalipas na taon, gayundin sa presyo kumpara sa nakalipas na buwan ng mga pangunahing produkto at serbisyo n nakapaloob sa market basket ng isang lalawigan. 

CPJanuary-1

Ang press conference ay isinasagawa sa pamamagitan ng Google Meet at umeere ng live sa opisyal na Facebook Page ng PSA Nueva Ecija. Ito ay dinaluhan ng mga personalidad mula sa Press at Media katulad ng DWNE. Gayundin nakikibahagi din ang mga representante mula sa Provincial Agriculturist Office (OPA-Nueva Ecija) at Provincial Field Office ng Department of Trade and Industry (DTI-Nueva Ecija).   

CPJanuary-2

Noong Enero 2025, ang inflation sa Nueva Ecija ay tinatayang nasa 2.5 porsiyento, mas mataas sa 2.1 porsiyento na naitala noong buwan ng Disyembre 2024. Samantala noong Enero 2024, naitala sa 4.1 porsyento ang inflation rate sa probinsya. Ayon sa resulta, tatlo sa mga nag-ambag sa pagtaas ng inflation sa probinsya ay ang mga sumusunod na Commodity Groups; Food and Non-alcoholic Beverages tulad ng mga Gulay, Karne at Isda na nakapagtala ng 2.5 porsyento; Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels tulad ng Elektrisidad, Renta sa mga Paupahang Bahay at Liquified Petroleum Gas (LPG) na may 4.5 porsyento; at Health tulad ng Vitaminsand Minerals at mga serbisyo sa mga pribadong Dental Clinic na nakapagtala ng 4.1 porsyento.

 

Technical Notes

 

GIRLIE G. DE GUZMAN

Supervising Statistical Specialist 

OIC, Nueva Ecija Provincial Statistical Office 
/rlp/htds

Aurora’s Inflation and Consumer Price Index (CPI) February 2025

Aurora’s Inflation Declined to 4.0 Percent

PSA Bulacan conducts Press Conference on February 2025 Inflation in Bulacan

March 14, 2025 – The Philippine Statistics Authority (PSA) Bulacan conducted a press conference to report the province’s inflation rate for February 2025. Supervising Statistical Specialist Marcelino…

Summary Inflation Report Consumer Price Index (2018=100) Nueva Ecija February 2025

Nueva Ecija's annual inflation rate dropped to 0.8 percent in February 2025, down from 2.5 percent in January of the same year. This figure remains significantly lower than the 6.9 percent…