Skip to main content
Release Date :
Reference Number :
2025-04

20 February 2025 – Cabanatuan City
Tumaas sa 2.5 percent ang inflation rate sa Nueva Ecija sa buwan ng Enero 2025. Ito ang iniulat ni Bb. Editha Briguela, Statistical Specialist II mula sa Philippine Statistics Authority- Nueva Ecija sa ginanap na Virtual Press Conference noong Pebrero 13, 2025, ika-4 ng hapon via Google Meet at Facebook Live.


Ang buwanang Press Conference ay isinisagawa ng PSA-Nueva Ecija alinsunod sa direktiba mula sa National Statistician ng PSA, Usec. Claire Dennis S. Mapa kung saan pinag-uulat ang mga PSA Provincial offices sa buong bansa ukol sa napapanahong kalagayan ng paggalaw sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa bawat probinsya sa nakalipas na buwan. Ang Inflation Rate ay ang pagbabago ng presyo kumpara sa kaparehong buwan ng nakalipas na taon, gayundin sa presyo kumpara sa nakalipas na buwan ng mga pangunahing produkto at serbisyo n nakapaloob sa market basket ng isang lalawigan. Ang press conference ay isinasagawa sa pamamagitan ng Google Meet at umeere ng live sa opisyal na Facebook Page ng PSA Nueva Ecija. Ito ay dinaluhan ng mga personalidad mula sa Press at Media katulad ng DWNE. Gayundin nakikibahagi din ang mga representante mula sa Provincial Agriculturist Office (OPA-Nueva Ecija) at Provincial Field Office ng Department of Trade and Industry (DTI-Nueva Ecija). 

 

Noong Enero 2025, ang inflation sa Nueva Ecija ay tinatayang nasa 2.5 porsiyento, mas mataas sa 2.1 porsiyento na naitala noong buwan ng Disyembre 2024. Samantala noong Enero 2024, naitala sa 4.1 porsyento ang inflation rate sa probinsya. Ayon sa resulta, tatlo sa mga nag-ambag sa pagtaas ng inflation sa probinsya ay ang mga sumusunod na Commodity Groups; Food and Non-alcoholic Beverages tulad ng mga Gulay, Karne at Isda na nakapagtala ng 2.5 porsyento; Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels tulad ng Elektrisidad, Renta sa mga Paupahang Bahay at Liquified Petroleum Gas (LPG) na may 4.5 porsyento; at Health tulad ng Vitamins and Minerals at mga serbisyo sa mga pribadong Dental Clinic na nakapagtala ng 4.1 porsyento.

Matapos ang ulat patungkol sa Inflation, ang PSA-Nueva Ecija ay tumanggap at sumagot sa mga katanungan na ipinadala ng mga nakapanood sa Google Meet gayundin sa comment section ng Facebook Live.

Para sa kumpletong detalye ng Inflation para sa buwang ng Enero 2025, maaari itong makita sa link na ito, http://psa.gov.ph/price-indices/cpi-ir.
 

 

 


GIRLIE G. DE GUZMAN
Supervising Statistical Specialist 
OIC, Nueva Ecija Provincial Statistical Office 
 

Attachment Size
PDF Press Release 248.06 KB

Central Luzon’s Inflation and Consumer Price Index (CPI) February 2025

The annual inflation rate in Central Luzon decreased to 2.3 percent in February 2025. In February 2024, inflation was higher at 4.8 percent. (Figure 1)

Summary Inflation Report Consumer Price Index (2018=100) February 2025

Bataan’s overall inflation decelerated to 0.5 percent in February 2025. In January 2025, the inflation rate was recorded at 1.7 percent and in February 2024, the inflation rate was at 2.9 percent.

Summary Inflation Report of Zambales | Consumer Price Index (2018 = 100): February 2025

The headline inflation in Zambales decelerated to -0.2 percent in February 2025, from 1.4 percent in January 2025. This brings the provincial average inflation, from January to February 2025 to 0.6…