Skip to main content
Release Date :
Reference Number :
2024 – 023

 

 

OIC-SvSS Girlie G. De Guzman during the presentation of Highlights of 2023 Economic Performance of Nueva Ecija at Hotel Consuelo, Santa Rosa Nueva Ecija on 12 November 2024.

RD Arlene M. Divino, OIC-SvSS Girlie G De Guzman, SrSS Joynabel S. Paraguison and SSII Mary Grace M. Nunez during the open forum on the Provincial Product Accounts Dissemination Forum of Nueva Ecija at Hotel Consuelo, Snata Rosa Nueva Ecija on 25 November 2024.

 

Sa ikalawang taon ng pag-compile ng Provincial Product Accounts (PPA) ng Nueva Ecija, ang Provincial Statistical Office ay nagdaos ng dissemination forum upang ibahagi at isa-publiko ang resulta ng mga datos na nakalap para sa ekonomiya ng Nueva Ecija.

Ibinahagi ni PSO Officer-in-Charge, Supervising Statistical Specialist Girlie G. De Guzman ang pagtaas ng ekonomiya ng Nueva Ecija, na may 5.5 percent kumpara sa 5.9 percent noong nakaraang taon ng compilation. Ayon sa resulta, ang Nueva Ecija ay may Gross Domestic Product (GDP) na PhP 314.52 Billion para sa taong 2023.

Nagpakita naman ng mas malaking interes at pag-unawa ang mga participants mula sa media, Local Government Units (LGUs), at ibang mga stakeholders tulad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Trade and Industries (DTI), Department of Education (DepEd), Department of Interior and Local government (DILG), Land Transportation Office (LTO), Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Provincial Tourism Office (PTO), Private at Public Electric Corporations, at SUC matapos na makita ang magandang katayuan ng Nueva Ecija sa ekonomiya ng Region 3 at Pilipinas.

Batay sa ekonomiya ng region 3, ang Nueva Ecija ay pangatlo (3rd) sa mga probinsyang nag-ambag ng pinakamalaki sa kabuuang pang-rehiyon na GDP. Samantala, ang Nueva Ecija ay ika-siyam (9th) sa mga probinsyang may pinakamalalaking GDP sa buong Pilipinas.

Bilang isang “agricultural province” ang magandang katayuan din ng probinsya sa kabuuang Agriculture, Forestry and Fishing (AFF) ng rehiyon at bansa ay pumukaw ng malaking interes sa mga participants upang magsimula ng mabungang talakayan sa open forum. Ang mga katanungan at talakayan sa forum ay sama-samang pinaunlakan at sinagot ng PSA Regional Director Arlene M. Divino, OIC-SvSS De Guzman at mga focal person ng PPA mula sa central office, Senior Statistical Specialist Joynabel S. Paraguison at Statistical Specialist II Mary Grace M. Nunez. 

Ang dissemination forum ay isinagawa sa Hotel Consuelo, Santa Rosa noong ika-12 ng Nobyembre 2024. Ang programa ay pormal na binuksan ni RD Divino; habang ang mga mensahe ng National Statistician, Civil Registrar General Claire Dennis S. Mapa at National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Director Nerissa T. Esguerra ay ipinahayag din; ito ay natapos naman sa mensahe ni PSO Senior Statistical Specialist Rommel L. Payawal.

 

  

Office of the Provincial Agriculturist ACC II Evelyn C. Santos and Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Senior Aquaculturist II during the open forum on the Provincial Product Accounts Dissemination Forum of Nueva Ecija at Hotel Consuelo, Santa Rosa Nueva Ecija on 25 November 2024.

Sa katapusan ng buong programa, ang mga participants na dumalo at nagbahagi ng mga datos para sa katuparan ng mas mainam na pagsukat ng ekonomiya ng Nueva Ecija ay pinarangalan ng mga sertipiko bilang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta sa mga proyekto ng PSA, lalo na ng statistics para sa ekonomiya

Technical Note 

 

 

 

 

 

 

Attachment Size
PDF Statistics para sa Ekonomiya! 378.62 KB
Tags

Statistics para sa Ekonomiya!

Sa ikalawang taon ng pag-compile ng Provincial Product Accounts (PPA) ng Nueva Ecija, ang Provincial Statistical Office ay nagdaos ng dissemination forum upang ibahagi at isa-publiko ang resulta ng…

Bulacan’s Economy Posts a 5.6 Percent Increase in 2023

The economy of Bulacan grew by 5.6 percent in 2023 from its 2022 level, a slowdown from the 8.6 percent growth in the previous year. This growth represents an increase in the Gross Domestic Product (…

Bataan Posts Economic Growth at 6.3 Percent in 2023

The economy of Bataan posted an economic growth at 6.3 percent in 2023, slower than the 6.9 percent growth in 2022. The Gross Domestic Product (GDP) of Bataan was estimated at PhP 275.11 billion in…