Pormal na ngang nagtapos at matagumpay na naisagawa ang kabi-kabilang convening ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) Coordinating Boards (CCBs) sa lalawigan ng Nueva Ecija kahapon, 12 Pebrero 2024. Ito ay matapos ngang maging opisyal ang CCB sa syudad ng Gapan, Nueva Ecija na pinangungunahan ni Kagalang-galang Emary Joy D. Pascual, alkalde ng syudad ng Gapan at sya ding nagsisilbing chairperson ng nasabing CCB.
Inaasahan naman na ang mga susunod na aktibidad na may kinalaman sa CBMS ay maisasagawa nang naaayon sa nakatakdang schedule na makikita sa talahanayan sa ibaba:
Patuloy ring nanawagan ang Philippine Statistics Authority Nueva Ecija Provincial Statistical Office (PSA Nueva Ecija) sa pangunguna ni Chief Statistical Specialist Elizabeth M. Rayo sa mga Novo Ecijano na tangkilikin at suportahan ang naturang proyekto.
“The CBMS, as a statistical activity, entails a census of households undertaken by the local government units (LGUs) with the participation of the community using accelerated poverty profiling systems in the data. Data that will be generated by the CBMS are the compendium of localized facts, figures, and maps on the different dimensions of poverty such as health, nutrition, water, sanitation, shelter, education, income, employment, security, and participation (https://psa.gov.ph/cbms)."
ELIZABETH M. RAYO
Chief Statistical Specialist